^

Metro

Mahigit 500 Manilenyo mabibiyayaan ng lupa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 500 pamilya ang inaasahang   mabibiyayaan ng  lupa  sa  lungsod ng Maynila matapos na  ipasa ng  konseho sa ikatlong pagdinig  ang ordinansang  inihain ni  Majority Floor Leader at  Manila 2nd District Councilor Marlon Lacson.

Layon ng  ordinance no. 8073 na bigyan ng  kapangyarihan si Manila Mayor Joseph Estrada na bilhin ang  lupa para sa mga residente  sa Bgy. 158 Zone 14 ng lungsod na matagal ng naninirahan sa isang  pribadong lupain.

Ayon kay   Lacson ang   ordinansa ay tinawag na ‘ An Ordinance Authorizing the City Mayor to Acquire Either by Purchase, Negotiation or Expopriation A Parcel of  Land With an Area of 6,619.4 sq.meter’ na  pagmamay-ari ni YK Development Corporation.

Ang nasabing hakbangin ayon kay Lacson ay sa ilalim ng  Land-for the Landless Program ng  city government.

Bagama’t  umaasa  ang konsehal na  mai-aaward na  sa lalong madaling panahon ang  lupa sa mga bonafide tenants  ipinaliwanag nito na ang korte pa rin ang  siyang magdedesisyon ng  halaga ng lupa na bibilhin ng  lungsod ng Maynila.

Aniya, kailangan na  ma­ging patas ang  halaga  ng lupa sa magkabilang panig.

Binigyan diin  pa ni  Lacson na   nangako si  Manila Vice Mayor Isko Moreno na magbibigay ng P1 milyon upang makatulong na mabili sa lalong madaling panahon ang lupa.

Kasamang  naghain ng ordinansa sina Councilors Ruben Buenaventura, Rod Lacsamana, Numero Lim, Ramon Robles at Rolando Valeriano.

 

ACQUIRE EITHER

AN ORDINANCE AUTHORIZING THE CITY MAYOR

COUNCILORS RUBEN BUENAVENTURA

DEVELOPMENT CORPORATION

DISTRICT COUNCILOR MARLON LACSON

EXPOPRIATION A PARCEL

LACSON

LAND WITH

LANDLESS PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with