^

Metro

Erap sa mga pulis scalawag: ‘Tigilan n’yo na yan!’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Mayor Joseph Estrada  ang mga scalawags na pulis ng Manila Police District (MPD) na tigilan na ang kanilang mga modus operandi at iba pang illegal activities at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang  pagbibigay ng serbisyo sa Manilenyo.

Sa pagsasalita ni Estrada sa ika-113 taong anibersayo ng  MPD, sinabi nito na nakasalalay sa mga pulis ang pagbabalik ng  magandang imahe ng pulisya. Aniya, sa pagtutulungan ng  local na pamahalaan, sibilyan at pulis madaling maibabalik ang  taguring ‘Manila’s Finest’.

Kasama si Manila Vice Mayor Isko Moreno  at MPD director Chief Supt. Isagani Genabe, sinabi ni Estrada na ang malinis na pagseserbisyo sa lungsod ay magdadala din ng  maraming turista na makatutulong naman sa pag-angat hindi lamang ng  lungsod kundi ng bansa.

Aniya, hindi na dapat pang maulit ang hostage taking na naging dahilan ng mga Chinese upang  hindi na magtungo sa Pilipinas.

Samantala, hindi rin nawala ang pagpapatawa ni Estrada nang sabihin nito na nalimutan ni Genabe na tawagin siyang  ex-convict samantalang tinawag siya nitong ex-action star, ex-senador at ex-president.

“just like former Senator Aquino, Mahatir Mohammed, prime minister of Malaysia, we are all convicted so we are men of conviction’, ani Estrada.

Nangako din sa Estrada na bibigyan ng P2500 kada buwang allowance ang mga pulis.

Kasabay nito ilan sa mga pinarangalan ay sina PSupt. Rode­rick Mariano, bilang  Station Commander of the Year; PCP commander of the Year si S/Insp. Melchor Villar at Junior PCO of the Year S/Insp. Rosalino Ibay, Jr.

ANIYA

CHIEF SUPT

ISAGANI GENABE

MAHATIR MOHAMMED

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

MELCHOR VILLAR

ROSALINO IBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with