^

Metro

2 kelot patay sa pamamaril sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang patay makaraang pag­ba­barilin ng hindi natukoy na mga suspek habang ang mga una ay nakaistambay sa isang tapsilogan sa lung­sod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal In­ves­tigation and Detection Unit, nakilala ang mga na­sawi na sina Norvic Bello, 21, construction worker; at Roberto Valenzuela, 17; kapwa mga residente sa Brgy. Old Capitol Site sa lungsod.

Blanko naman ang mga awtoridad kung sino ang mga suspek sa naturang pamamaril.

Ayon kay PO2 Julius Raz, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng Tholits Tapsilogan na matatagpuan sa no. 29 Dhalia St., Brgy. Old Capitol site, sa lungsod, ganap na alas-12:05 ng madaling-araw.

Sabi ng isang Merlito Antoya, dishwasher ng tap­silogan, nag­huhugas siya ng ping­gan nang makarinig ng mga putok ng baril mula sa labas.

Nang kanyang tignan ay bumulaga na lang sa kanya ang mga duguang katawan ng mga biktima.

Agad namang nakarating sa kaalaman ng kaanak ng mga biktima ang insidente at nagtungo sa lugar saka isinugod ang mga ito sa East Avenue Medical Center, su­balit kapwa idineklara din dead on arrival dahil sa tama nila ng bala sa ulo.

Patuloy ang imbesti­gas­yon ng awtoridad sa na­sabing insidente.

vuukle comment

BRGY

DETECTION UNIT

DHALIA ST.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JULIUS RAZ

MERLITO ANTOYA

NORVIC BELLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with