^

Metro

Binatilyo sinalvage

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na binata na tadtad ng tama ng saksak sa katawan ang natagpuang bangkay sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO3 Erickson Isidro, ang biktima ay kinilala na si Mike Salas, ng 16th St. North Cementery, lungsod ng Maynila.

Si Salas ay natagpuan ng kaibigang si Robert John Rorillo­ sa may harap ng Mayo St., Brgy. NS Amoranto, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Agad na ipinagbigay alam ni Rorillo ang insidente sa nanay nitong si Rosalinda Salas, at saka idinulog sa himpilan ng pulisya.

Sabi ng nanay ng biktima, huli niyang nakita ang anak alas-8 ng gabi nitong Martes, habang natutulog sa kanilang bahay, subalit hindi umano niya namalayang lumabas ito.

Ayon naman kay Rorillo, bago ang insidente, alas-10 ng gabi ay magkakasama pa sila ng biktima at ilang kaibigan sa Mauban St. sa Quezon City  upang gumala, hanggang sa mapagpasyahan nilang umuwi.

Para walang bayad, sumabit na lang sila sa pampasaherong jeepney, pero naiwan ang biktima at nakita nilang nakisindi pa ng sigarilyo sa isang pahinante ng truck.

Bago tuluyang makaalis, dagdag ni Rorillo,ay nakita pa niyang may humintong mobile patrol ng police saka may bumabang nakasibilyang lalake at nilapitan si Mike hanggang sa hindi na niya nakita pa ang sumunod na pangyayari.

Sa naturang oras, nabalitaan na lang nilang may nakitang bangkay ng lalaki sa nasabing lugar at may mga saksak sa katawan.

Ang biktima ay nagtamo ng saksak ng hinihinalang ice­pick sa dibdib at bakas ng pananakal sa kanyang leeg.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasa­bing insidente.

vuukle comment

AYON

ERICKSON ISIDRO

MAUBAN ST.

MAYO ST.

MIKE SALAS

QUEZON CITY

ROBERT JOHN RORILLO

RORILLO

ROSALINDA SALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with