^

Metro

Pumatay at nagnakaw sa sapatero, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto kahapon ng mga tauhan ng  Manila Police  District ang  dalawang  suspect na responsable sa pagpatay sa  isang sapatero kamakalawa ng  madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila na ang krimen ay nakunan ng CCTV na nakakabit sa naturang lugar.

Nakapiit ngayon ang mga suspect na nakilalang sina Jeffrey Ronales, 25 at Ruel Cabarles, 22.

Ayon kay SPO3 Glenzor A. Vallejo ng MPD homicide, pasado alas-9 ng umaga nang madakip si Ronales habang si Cabarles ay nasakote sa  Laong-Laan kanto ng AH Lacson, Sampaloc, Maynila.

Ang dalawa ay natukoy ng pulisya na pumatay sa sapaterong si  Mateo Buyron, 53, sa panulukan ng  Mendoza at  Malabon Sts., Sta. Cruz noong madaling-araw ng Lunes.

Sa pahayag ng  pulisya, walang tigil sa  kasa-sign of the cross ni Cabarles habang kuntodo naman ang iyak ni Ronales habang todo tanggi sa krimen makaraang madakip ang mga ito.

Sinabi ni Ronales na nagulat umano siya nang damputin ng mga pulis at posasan habang sinasalaysay naman ni Cabarles na inaayos niya ang mga kalakal sa kanyang kariton na kanyang nakuha  nang dakpin ng  mga pulis.

vuukle comment

CABARLES

CRUZ

GLENZOR A

JEFFREY RONALES

MALABON STS

MANILA POLICE

MATEO BUYRON

MAYNILA

RONALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with