Nambibiktima ng mga dayuhan ‘Vertical gang’ aktibo sa Maynila
MANILA, Philippines - Aktibong nagsasagawa ng kanilang modus operandi sa lungsod ng Maynila ang ‘Vertical Gang’ na kinabibilangan ng mga aktibong pulis, scalawag na pulis at sibilyan.
Ito naman ang ibinunyag ng isang mapagkakatiwalaÂang source na ang grupo umaÂno’y nambibiktima ng mga foÂreigner upang makuhanan ng malaÂking halaga.
Ayon sa source, matagal ng modus operandi ito ng grupo na nambiktima at nangotong din sa dalawang Arabiano noong nakaraang linggo. Inutos naman agad ni Manila Mayor Joseph Estrada ang imbestigasyon laban sa apat na pulis.
Modus ng grupo na paÂinan ng babae at bakla ang mga dayuhan at bibigyan ng Ativan hanggang sa dalhin sa isang motel.
Dito na irereklamo ang dayuhan ng rape sa pulisya kung saan makikipag-areglo naman ang dayuhan upang hindi na maituloy pa ang kaso.
Aminado ang source na malawak ang operasyon ng ‘Vertical Gang’ subalit hindi naman nasusugpo dahil na rin sa kawalan ng complainant.
Aniya, maaari lamang iliÂpat ng police station ang mga pulis subalit nananatili pa rin ang kanilang koneksiyon.
Nabatid na umalis na ng bansa ang dalawang Arabo na nakotongan ng mga pulis sa takot para sa kanilang seguÂridad.
- Latest