^

Metro

Apo ni Willie Nep, 1 pa sugatan sa pamamaril!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang 16-anyos na umano’y apo ng sikat na impersonator na si Willie­ Nepomuceno, gayundin ang 17-anyos na kaibigan nito nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki na lulan ng isang sasakyan sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw.

Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bik­timang si Sean Gabriel Nepomuceno, na ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC), habang tama lamang sa hita ang tinamo ng kaibigan nitong si Frank Raven Diocson, 17, na agad ding pinauwi matapos na mabigyan ng pa­unang lunas.

Batay sa ulat nina SPO1 Marion Maiso at SPO1 Gemma Merabueno ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) Marikina City Police, dakong alas-2:50 ng madaling-araw kahapon nang maganap ang krimen, habang ang mga biktima at dalawa pang kaibigan ay kagagaling lamang mula sa isang computer shop sa Bayan-Bayanan Avenue, corner Bugallion St., Brgy. Marikina Heights, Marikina City.

Bibili sana ng meryenda sa Angel’s Hamburger ang mga biktima nang biglang dumaan ang sinasakyang Ford Fiesta (TIO-181) ng tinatayang apat na suspek at pinaulanan sila ng bala na mula sa kalibre .45 at .40 na baril.

Nilapitan pa umano ng mga suspek ang mga biktima at sinipa bago sumakay muli ng sasakyan at huma­rurot palayo.

Hinala ng mga awtoridad na posibleng mistaken identity lamang ang naganap dahil bago pa man makarating sa computer shop ang mga biktima ay nagkaroon na ng komosyon sa loob nito.

 

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

BAYAN-BAYANAN AVENUE

BUGALLION ST.

FORD FIESTA

FRANK RAVEN DIOCSON

GEMMA MERABUENO

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA HEIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with