^

Metro

Doktor sa Bilibid, inutas ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang medico-legal officer na nakatalaga sa Bureau of Corrections (BuCor) makaraang pagbabarilin ng isa sa riding-in-tandem  na salarin, kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot ng buhay sa Alabang Medical Clinic dahil sa apat na tama ng bala sa likod at katawan ang biktimang si Dr. Juan Villacorta II, isa ring part-time na doctor­ sa naturang pagamutan at naninirahan sa Camena Spring Ville, Bacoor, Cavite.

Sa ulat ng Muntinlupa Police, nasa harapan ng isang bakery sa may National Road, Brgy. Putatan ang biktima at nurse na si Nayaflor Abe, 41, dakong alas-3:45 ng hapon nang lapitan ng gunman at sunud-sunod na paputukan ng baril.

Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng kasamahan nito tungo sa hindi mabatid na lugar.

Nakuha sa lugar ng krimen ang apat na basyo ng kalibre .45 baril. Blangko pa  ang pulisya sa motibo ng naturang pamamaslang.

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CLINIC

BACOOR

BUREAU OF CORRECTIONS

CAMENA SPRING VILLE

DR. JUAN VILLACORTA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA POLICE

NATIONAL ROAD

NAYAFLOR ABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with