Bodegang ginawang katayan ng mga karnap, sinalakay
MANILA, Philippines Isang bodega na ginagawang katayan ng mga karnap na sasakyan ang ni-raid ng mga pulis sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakarating kay Police Senior Supt. RhoÂderick Armamento, hepe ng Valanzuela City Police, alas-5:30 ng hapon nang salakayin ng mga pulis sa bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Nancy Rivas Palmones ng RTC Branch 172 ang isang boÂdega sa kahabaan ng Sibesco St., Victoria Village, Brgy. Canumay East ng naÂturang lungsod.
Nakakuha ang mga pulis na mga piyesa ng mga saÂsakyan kinarnap at mga gamit sa pagkatay ng sasakyan.
Lumalabas na noong Disyembre 30, 2013, unang nadakip ng mga pulis si Joselito Valenzuela habang dala ang isang karnap na L-300 van kung saan inginuso nito kung saan dinadala ang mga karnap na sasakÂyan, na naging dahilan upang kumuha ng search warrant ang mga pulis hanggang sa sinalakay ang bodega.
Kasalukuyan nang pinagÂhahap ng mga pulis ang daÂlaÂwang kasabwat ni Valenzuela na hindi muna pinangalanan.
- Latest