^

Metro

Binata sinaway ang kapitbahay, kinatay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 42-anyos na binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang la­sing na kapitbahay  na nagalit nang pigilan umano ng una na mangursunada ng taong nagdaraan sa kanilang lugar ang huli sa lungsod Quezon, kamaka­lawa.

Kinilala ang nasawi na si Alfredo Nocum, ng BPI compound, MWS, sa nasa­bing lugar. Siya ay nagtamo ng halos 10 tama ng saksak sa buong katawan, ayon kay Police Officer 2 Julius Raz, may-hawak ng kaso.

Agad namang nadakip ang suspek na si Ramil Ba­luyot, 31, matapos na habulin ng pinsan ng biktima at ilang barangay tanod.

Nangyari ang insidente sa kanilang compound ganap na alas-10 ng gabi.

Bago ang insidente, nag-iinuman umano sina Balu­yot at Nocum sa lugar nang makita ng una ang mga du­maraan na gusto niyang kur­sunadahin.

Dahil lasing, tinangkang kausapin ni Nocum ang suspek na huwag nang gawin, pero ang mabuti sana niyang intensyon ay nagbigay naman ng galit sa lasing na si Baluyot

Sabi ng testigong si Billy Jones Nocum, papasok siya ng gate ng compound nang marinig niya ang pinsang biktima na binabanggit ang pa­ngalan ng suspek na sumaksak sa kanya.

Tinangka pang habulin ni Billy Jones ang suspek kasama mga barangay ta­nod hanggang sa maaresto ito sa may loob ng Tensi KTV bar sa Quirino highway.

Nakuha sa suspek ang patalim na may habang 7.3 pulgada, habang ang biktima ay isinugod naman sa San Lorenzo hospital, pero idineklara din itong dead on arrival. Nakapiit ngayon ang suspek sa himpilan ng QCPD habang inihahanda ang kasong murder na isa­sampa laban sa kanya.

vuukle comment

ALFREDO NOCUM

BILLY JONES

BILLY JONES NOCUM

JULIUS RAZ

NOCUM

POLICE OFFICER

RAMIL BA

SAN LORENZO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with