^

Metro

Basura tututukan ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang malaking prob­lema na naman ang kakaha­rapin ng mga tauhan ng Me­tropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa tone-toneladang basura na maiiwan sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Dahil dito, nanawagan si MMDA Health, Public Safety and Environmental Protection Office, Director Amante  Salvador sa mga vendors na magtitinda kasabay ng prusisyon na tumulong sa paglilinis ng kanilang kalat lalo na ang kalat ng kanilang mga paninda.

Nabatid na bukod sa dumi sa kalsada, marami rin sa mga kalat tulad ng stick ng bananacue o barbecue o bottled water ang nagdudulot ng pinsala sa mga debotong nakakatapak nito lalo na ang mga nakayapak lamang.

Samantala, nakiisa rin ang Ecowaste Coalition sa panawagan laban sa pagkakalat. 

Ito rin ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa panawagan nito laban sa pagkakalat at sinabihan ang taumbayan na hindi nila ba­surahan ang buong siyudad ng Maynila at huwag maging mayabang.

Sa datos buhat sa MMDA, lumikha ng 32 trak o 192 toneladang basura ang 18 oras na prusisyon noong nakaraang 2013 na dina­luyan ng nasa 9 milyong katao, deboto at usyusero­.

Tinawag ng grupo na “buttman” ang mga nagtatapon ng upos ng sigarilyo, “Flashtic” ang gumagamit ng mga plastic bags, “Greedy” ang mga masisiba sa pagkain; at “Supermess” ang sadyang mahihilig lang magkalat.

DAHIL

DIRECTOR AMANTE

ECOWASTE COALITION

FLASHTIC

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO TAGLE

MANILA DEVE

PUBLIC SAFETY AND ENVIRONMENTAL PROTECTION OFFICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with