^

Metro

2 suspect sa pamamaril sa brgy. hall, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang sampahan ng kasong murder ng Pasay City Police ang dalawa sa anim na suspek na sangkot sa pamamaril sa isang barangay hall na ikinasawi ng isang tanod noong nakaraang Disyembre 27.

Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Flo­rencio Ortilla na kanilang nakilala na ang dalawa sa mga salarin ngunit itinago muna ang pagkakakilanlan sa mga ito upang hindi maantala ang kanilang ikinakasang ope­rasyon.

Ayon sa hepe, mga taga-labas umano ng lungsod ng Pasay ang mga salarin. Tinututukan rin nila ang anggulo na maaaring mga sindikato sa iligal na droga ang nasa likod ng pamamaril na nagresulta sa pagkakasawi ng tanod na si John Armiel Quilantang, 20-anyos.

Sugatan naman sa insidente ang barangay chairman ng Brgy. 134 Zone 13 na si Maynard Alfaro, kagawad Noel Mariano, kagawad Jose Maria at isang Frank Reyes, ng Makati City.

Sinabi ni Ortilla na hindi nila ipinagsasawalang-ba­hala ang lumulutang na ibang anggulo tulad ng awayan sa iligal na sugal ng mga operators sa lungsod.

Idinagdag pa nito na positibong nakilala ang dalawang gunman base sa testimonya ng mga testigo at base pa rin sa kuha ng “closed circuit television camera” sa lugar.

vuukle comment

FRANK REYES

JOHN ARMIEL QUILANTANG

JOSE MARIA

MAKATI CITY

MAYNARD ALFARO

NOEL MARIANO

ORTILLA

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with