Mapayapa, maunlad na Maynila hangad sa 2014 -- Isko
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng hangarin na mapabuti ang lungsod ng Maynila, hangad din ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang mapayapang lungsod ngayong 2014. Sa isang text message, sinabi ni Moreno, na malaking hamon ang naghihintay sa kanilang administrasyon ni Manila Mayor Joseph Estrada upang maisaayos ang lungsod sa usaping pinansyal, trabaho, edukasyon at kabuhayan.
‘Mapayapa, maayos at maunlad na Maynila sa 2014! Manila forward ever, backward never!’nakasaad sa text message ni Moreno.
Ayon kay Moreno, ito ang dahilan kung kaya’t kailangan na munang magkaroon ng disiplina ng isang Manilenyo na magdadala sa kanilang pag-unlad.
Sinabi ni Moreno na kaagapay ng publiko ang mga opisyal ng lungsod sa kanilang pagbabago at pag-unlad na pag-unlad din ng lungsod ng Maynila.
Tiniyak ni Moreno na handa silang tulungan at gabayan ang sinumang Manilenyo ng nais na pagbabago at pag-unlad sa kanilang pamumuhay bagama’t puspusan naman ang ginagawang paraan ng lungsod upang maiangat ang kalagayan ng mga mahihirap na taga lungsod. Idinadag pa ng bise alkalde na priyoridad nila ang edukasyon, pabahay at kabuhayan ng bawat pamilyang Manilenyo.
- Latest






















