^

Metro

Bagong Lacson monument, pinasinayaan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang pagpapasinaya sa bagong tayong monumento ni dating Manila Mayor Arsenio  Lacson.

Mismong sa harap ng Manila City Hall Freedom Triangle nakatayo ang 4-meter bronze statue ni Lacson na  sinaksihan naman ng  mga anak nitong sina Millie Lacson-Lapira  at Arsenic Lacson.

Ayon kay Estrada, hindi matatawaran ang naging pamamalakad ni Lacson sa lungsod  dahil  agad nitong nililinis ang lungsod mula sa mga tiwaling kawani at opisyal.

Nabatid na umaabot sa 600 empleyado at tiwaling opisyal ang sinibak ni Lacson noong siya ang alkalde ng  Maynila.

Dahil dito, sinabi ni Estrada na  maaari niya ding gawin ang pamamalakad ni Lacson upang mas mapabuti at maging maayos ang lungsod sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Ipinasya ni  Estrada na muling pagawaan ng monumento si Lacson matapos na sirain ng bagyong Pedring ang monumento nito sa  Roxas Blvd.

 

 

ARSENIC LACSON

AYON

LACSON

MANILA CITY HALL FREEDOM TRIANGLE

MANILA MAYOR ARSENIO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MILLIE LACSON-LAPIRA

ROXAS BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with