^

Metro

Payo ng NCRPO sa ligtas na Bagong Taon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaalala kahapon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO)  sa publiko para sa mapayapa at ligtas na selebrasyon ng pagpasok ng Bagong Taon.

Sa kanilang Facebook account na NCRPOReact, pinamagatan nito ang mga payo na “Iwas-Paputok tips” kung saan nangunguna ang pagpapaalala sa publiko na huwag bumili ng mga paputok na hindi nakalagay kung anong kompanya ang gumawa nito.  Delikado umano ang mga produkto dahil hindi subok ang kalidad.

Ikalawa, payo rin ng pulisya na iulat ang mga nagbebenta ng paputok na walang tatak sa pulis o mag-text sa PNP Text 2920.

Ikatlo, huwag hayaan na magpaputok o maglaro ng watusi ang mga bata lalo na kung walang kasamang matanda.

Ikaapat, huwag gamiting panakot o biro ang mga paputok, baka maka-aksidente.

Ikalima, huwag magsunog ng lumang gulong sa gitna ng kalye.

At ikaanim, kung maaari, huwag na lang gumamit ng paputok, PVC boga, watusi o baril sa pagsalubong ng Bagong Taon. Manood na lamang sa nakatakdang mga pampublikong pamputukan.

Sa datos ng Department of Health kahapon, lumobo na sa 140 ang biktima ng paputok sa bansa.  Pinakamarami dito ang mga batang napuputukan ng ipinagbabawal na paputok na piccolo.

BAGONG TAON

DELIKADO

DEPARTMENT OF HEALTH

FACEBOOK

IKAAPAT

IKALAWA

IKALIMA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PAPUTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with