BIR office nasunog dahil sa napabayaang Christmas tree

MANILA, Philippines - Natupok ang 4th floor ng building ng Bureau of Internal Revenue sa Caloocan City kahapon.

Sa ulat ng Caloocan City Fire Department, alas-10:00 ng umaga nang magliyab ang 4th floor ng BIR sa  ka­habaan ng EDSA Avenue  ng naturang lungsod.

Lumalabas na sa opisina ng district director nagmula ang apoy dahil sa napabayaang ilaw sa Christmas tree kung saan naapula naman ang apoy  dakong alas-11:49 ng umaga.

Inaalam na kung magkano ang napinsala ng apoy na wala naman naiulat na nasaktan o nasawi rito.

Show comments