^

Metro

Pulis ginulpi sa basketball court

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan matapos ares­tuhin ng mga awtoridad dahil sa panggugulpi sa 37-anyos na pulis sa basketball court  sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Bukod dito, inakusahan din ni PO2 German Amot ng Police Security Protection Group ang mga suspek na  sina Efren Carillo Jr. at Avelino Brul ng pagkuha sa kanyang gold bracelet na nawala matapos ang kaguluhan.

Ayon kay PO2 Julius Cesar Balbuena, naganap ang insidente ganap na alas-7 ng gabi sa bisinidad ng baskeball court sa Ba­rangay Sauyo, Novaliches.

Nabatid na nanonood ng basketball ang nakaupong biktima kasama ang pinsan nang lapitan ni Brul na sinasabing lango sa alak.

Pinaalis ang biktima sa kinauupuan subalit nagpakilalang pulis ang biktima pero binalewala ni Brul.

Dahil dito, nagkainitan ang dalawa hanggang sa suntukin ni Brul ang biktima kung saan tumulong na rin ang grupo ni Carillo.

Tinangkang tumulong ng pinsan ni Amot na awatin ang grupo pero hindi nito nakaya hanggang sa hu­mingi ng ayuda sa barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip kay Brul at Carillo.

vuukle comment

AMOT

AVELINO BRUL

BRUL

CARILLO

EFREN CARILLO JR.

GERMAN AMOT

JULIUS CESAR BALBUENA

POLICE SECURITY PROTECTION GROUP

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with