^

Metro

Sanggol ginamit ng ‘shoplifter’ na ina

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginawa pang instrumento ng isang ginang ang kanyang sanggol na anak para makatangay ng ilang pirasong damit pambata sa isang supermarket sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong theft ang suspect na nakilalang si Janna Castillo, 25, residente ng Brgy. Caybiga, Caloocan City.

Sa ulat ng Valenzuela City Police,  dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi nang pumasok sa loob ng Puregold Price Club Inc. sa may Paso de Blas Road sa Brgy. Paso de Blas, ang suspect karga ang higit 1-taong gulang nitong sanggol na lalaki.

Agad na dumampot ng sari-saring damit pambata ang ginang at pumasok sa fitting room.  Nang lumabas, isang short na lamang ang bitbit nito saka dumiretso sa cashier at nagbayad.

Na-monitor naman ito ng isang guwardiya ng establisimiyento na sumita sa suspect habang papalabas ng pinto.  Nang dalhin sa kanilang security office, dito nadiskubre ang ibang damit na patung-patong na nakasuot sa karga nitong sanggol.

 

vuukle comment

BLAS ROAD

BRGY

CALOOCAN CITY

CAYBIGA

GINAWA

JANNA CASTILLO

NANG

PUREGOLD PRICE CLUB INC

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with