^

Metro

Erap, Isko binisita si CGMA sa VMMC

Doris Franche-Borja at Ricky T. Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binisita kahapon ni Mayor  Joseph Estrada kasama si Manila  Vice Mayor Isko Moreno si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Me­dical Center (VMMC) sa Quezon City.

Alas-2 ng hapon nang mamataan ang pagsulpot ni Erap sa Ve­terans Memorial Medical Center (VMMC) kasama si Moreno at anak na si Jackie Ejercito kung saan alas 3 ng hapon nang sila’y papasukin sa loob.

Ayon naman kay Moreno, ang  ipinakita ni  Estrada ay indikas­yon na nakapagpatawad na siya sa mga taong nagkasala sa kanya. Aniya, bihira lamang ang mga tao at opisyal ng pamahalaan na tunay na  tumulong at nag­papatawad.

Sinabi naman ni  Atty. Ferdinand Topacio, maganda naman umano ang naging pag-uusap ng dalawa at mismong ang dating pangulo pa umano ang umestima sa kanilang mga bisita.

Nakasuot din umano ng kulay orange­ na damit­ si GMA sa pagbisita ni Erap, at nang tanungin naman si Topacio kung may pinag-usapan tungkol sa politika o ang pagsasanib puwersa ng dalawang partido. Tumanggi na itong magsalita, bagkus sinabi na lamang nitong “anything is possible under the sun.”

Nauna nang dumalaw kay GMA si da­ting pangulong Fidel V. Ramos, at nang tanungin si Topacio kung pinag-usapan ang tungkol sa politika, tumanggi din itong magsalita sa halip sinabi din nitong, wala siyang alam, gayunman, mga politiko umano ang mga ito.

Patungkol naman sa kalagayan ni GMA, sinabi ni Topacio na malaki na ang ibinawas ng timbang nito hindi tulad ng dating pangulo pa ito ng bansa.

“Siguro ang kanyang ipinayat ay dahil sa karamdaman niya  at nangyayari sa kanyang sitwasyon. Ang ideal kasi sa kanya ay house arrest, pero nirerespeto namin ang anumang utos,” ani Topacio. 

Matatandaang pina­yagan ng Sandigan­bayan si GMA na makasama nito ang kanyang pa­milya sa ospital para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

ERAP

FERDINAND TOPACIO

FIDEL V

JACKIE EJERCITO

JOSEPH ESTRADA

SHY

TOPACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with