^

Metro

Driver inutas sa saksak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay  ang isang jeepney driver  nang pagsasaksakin ng lasing na security guard kagabi sa Sta.Ana, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Felomeno Belleza, 53, walang asawa ng 1727 C 2nd St., DPWH Compound Punta,Sta.Ana, Maynila habang ginagamot naman  sa Our Lady of Lourdes Hospital ang suspect  na si Marlon Ramos, 25 ,binata ng 862 Gonzalo St ., Quiapo, Maynila.

Sa report ni PO3 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, dakong alas 9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Old Sta.Mesa, Maynila.

Lumilitaw na sakay ng  biktima ang suspek at dalawa pang di nakilalang babae na agad ding bumaba sa Sta. Mesa. Naiwang mag-isang pasahero ang suspect  na lango sa alak at walang sabi-sabing  pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng  katawan  si Belleza.

Bagamat sugatan at duguan si Belleza ay nagawa pa nitong imaneho ang kanyang jeep na may biyaheng Punta-Pier ng ilang metro at  nakahingi ng tulong kay Ricky Nicolas, 41,  at nasambit pang  ang suspect ang sumaksak sa kanya bago ito nalagutan ng hininga.

Agad namang humingi ng  tulong si Nicolas sa pulisya kung saan mabilis na nag­responde  ang  mga tauhan ng MPD-Police Station 8.

Pagdating sa lugar, nilapitan ni SPO1 Ulidario dela Cruz ang suspect  sa dyip na minamaneho ng biktima upang kumpiskahin ang patalim ng suspect subalit bigla nitong inundayan ng saksak ang una dahilan upang paputukan ito at tamaan sa kanang hita.

 

vuukle comment

BELLEZA

COMPOUND PUNTA

FELOMENO BELLEZA

GONZALO ST

HOMICIDE SECTION

MARLON RAMOS

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

OLD STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with