Obrero patay sa gumuhong pader
MANILA, Philippines - Isang obrero ang patay matapos na mabagsakan at madaganan ng kongkretong pader na kanyang ginigiba sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon kay PO2 Louie Serbito, nasawi ang biktimang si Danilo Bagasbas, ganap na alas 8:30 ng umaga sa may bahay ng isang Armado Endaya na matatagpuan sa Gen. Alejandro St., Brgy. Bagong Silangan.
Nabatid na naatasan si Serbito na gumiba sa matandang pader sa bahay ni Endaya subalit hindi inaasahang babagsakan ito ang pader. Agad na itinakbo ni Endaya ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara din itong dead-on-arrival.
- Latest