^

Metro

Kelot itinumba sa Pasig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon kung may kinalaman sa iligal na droga ang ginawang pamamaril sa isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Pasig City, kama­kalawa ng gabi.

Inilarawan ang  biktima na tinatayang nasa edad 30-40- anyos, may taas na 5’6’’-5’7’’, nakasuot lamang ng berdeng kamiseta at light brown na shorts.  Nabatid na may tattoo rin ito sa kanyang binti.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng Miyerkules ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng lalaki sa gilid ng V. Baltazar St., Brgy. Palatiw, ng naturang lungsod.

Ayon sa saksi, isang itim na tricycle ang nakita niya na humarurot paalis sa lugar matapos na makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.  Dito na tumambad ang lalaki na naliligo sa sariling dugo sa gilid ng kalsada.

Isang bala ng kalibre .38 baril ang tumama sa batok ng biktima na sanhi ng kanyang kamatayan.  Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang in­sidente.

 

vuukle comment

AYON

BALTAZAR ST.

BRGY

DITO

INAALAM

INILARAWAN

ISANG

MIYERKULES

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with