^

Metro

Engineering student tumalon sa 24th floor ng condo, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namatay ang isang 20-anyos na estudyante ng Technological Ins­titute of the Philippines (TIP) nang tumalon ito mula sa ika-24 na palapag ng tinutuluyang con­dominium, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Bali-bali ang dalawang binti at putok ang kilay ng biktimang si Jethro Mark Pechon, 1st year Electronics Communication Engineering (ECE) sa TIP  at nanunuluyan sa Unit  2423 ng Grand Tower II Condominium sa no. 790 P. Ocampo St., corner Taf Avenue, Malate, Maynila, dahil sa impact nang pagbagsak nito sa isang “3 feet” swimming pool na nasa ika-7 palapag ng nabanggit na condominium.

Sa ulat ni SPO1 Ri­chard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:55 ng gabi nitong Sabado nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing gusali.

Lumilitaw sa imbestigasyon na  nakabukas ang bintana sa unit ng biktima at may upuan sa tabi nito na indikasyon na ginawa itong tuntungan ng biktima bago tumalon.

Ayon naman sa security guard na si Raymond Aliado, narinig niya ang sobrang lakas ng la­gapak sa tubig kaya pinuntahan at na­­kita na unti-unting na­mumula ang tubig sa swimming pool at agad na ipina­alam
sa kaniyang superior.

Lumutang na sa pool ang walang buhay na biktima na ipinagbigay-alam din sa pulisya.

Batay sa paha­yag ng mga kaibigan ng bik­tima na sina Lauren­ Quiambao at Princess Garcia, okupante rin ng condominium, wala silang alam kung bakit nagawang tumalon o magpakamatay ng biktima.

Sa pahayag naman ng isang nagnganga­ lang Dominic, kasama sa kuwarto ng biktima, bandang alas-5:00 ng hapon nang iwan niya ang biktima para du­malo sa general as­sembly meeting ng Adam­son University. Wala naman umano siyang alam na dahilan ng pagpapakamatay nito.

Gayunman, inaalam pa ng mga pulis kung nagpakamatay ang bik­tima o pinagtripan lamang ang pagtalon diretso sa swimming pool o may foul play.

 

ELECTRONICS COMMUNICATION ENGINEERING

GRAND TOWER

JETHRO MARK PECHON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OCAMPO ST.

PRINCESS GARCIA

RAYMOND ALIADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with