Pintor dedo sa holdap
MANILA, Philippines - Isang 53-anyos na pintor ang namatay nang manlaban sa holdaper na tumangay ng isang linggong sahod nito, sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Sta. Ana Hospital bunga ng malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang bikÂtimang si Danilo Villonas, may asawa, ng no. 1858 Oro B St., Sta. Ana, Maynila.
Arestado na ang suspect na si Raymond Perdes, alyas “Baliwâ€, 20, binata at walang trabaho, na residente ng Sta. Ana, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:45 ng gabi ng Nobyembre 30 nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Oro B at Sagrada Pamilya St., sa Sta. Ana.
Galing umano sa trabaho bilang pintor sa Paragon Hotel ang biktima at dala na nito ang sweldo para sa isang linggong pinagtrabahuhan nang makita ito ng suspect at sinundan bago hinoldap.
Sa kabila ng armado ng patalim, nanlaban ang biktima kaya ito pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at iniwang nakabulagta sa kalye. Nang mamataan ng mga tambay ay isinugod siya sa kalapit na pagamutan subalit bigo nang malunasan.
Dahil naman sa isang text mula sa di nagpakilalang texter sa MPD-(Sta. Ana) Police Station 6, kaugnay sa pagkamatay ng biktima, nadakip kahapon ang suspect bandang alas-11:30 ng tanghali.
Gayunman, dumepensa pa umano ang suspect sa pagsasabing hindi niya hinoldap ang biktima bagkus ay nag-krus lamang ang kanilang landas at niresbakan niya ito sa dati nilang alitan.
- Latest