^

Metro

Salvage victim sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang may bakas ng pananakal at nakabaon pa ang pako sa ulo sa lungsod Quezon kama­kalawa ng gabi.

Isinalarawan  ang biktima na nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’3’’, naka­suot ng asul na maong pants, katamtaman ang pa­ngangatawan, may tattoo sa kaliwang braso ng imahe ng tribal at “Trigger”, tattoo sa kanang braso ng tribal at kalapati sa kanang dibdib. 

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nadiskubre sa may kahabaan ng A. Boni­facio malapit sa panulukan ng Ipo St., Brgy. N.S. Amoranto, La Loma, sa lungsod, ganap na alas-11:30 ng gabi.

Sabi ni Balbuena, ang biktima ay nadiskubre ng mga rumespondeng barangay tanod sa lugar, matapos na ipagbigay-alam sa kanila na may nakitang lalaking nakahandusay dito.

Nang positibo ang insi­dente ay agad na ipinagbigay-alam ito ng barangay sa pulisya para sa pagsisiyasat.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), lumabas na ang biktima ay nakitaan ng contusion sa kanyang kaliwang mata, marka ng pagkakasakal sa leeg, mga latay sa kanyang mga paa, at mga kamay, at may pakong nakabaon sa tuktok ng kanyang ulo.

Ito na ang ikalawang bangkay na itinapon sa naturang ba­rangay, sabi pa ng pulisya.

vuukle comment

AMORANTO

AYON

BALBUENA

BONI

BRGY

IPO ST.

JULIUS BALBUENA

LA LOMA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with