Bureau of Fire general, biktima ng ‘Cuya rob gang’
MANILA, Philippines - Pinag-igting ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang manhunt operation laban sa lider ng kilabot na “Cuya robbery group†na si Jonathan Cuya, matapos ang muling pag-atake nito at holdapin ang isang heneral ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nagsasagawa na umano sila ng mga surveillance sa mga lugar na posibleng pagtaguan ni Jonathan, lalo na ngayong nauna na nilang nadakip ang dalawang kasamahan nito.
Partikular na tinukoy ng opisyal ang huling pag-atake ng grupo ni Cuya kay Fire Chief Supt. Samuel Perez, 55, at nakatalaga bilang deputy chief for Administration ng BFP sa national headquarters na matatagpuan sa Agham Road.
Nangyari ang insidente alas- 9:55 nitong Martes ng umaga habang si Chief Supt Perez ay nakikipag-kuwentuhan sa kanyang mga tauhan na sina SFO2 Joel Zerrudo at Santiago Garong III.
Dito ay bigla na lamang umanong sumulpot si Cuya, kasama ang tatlo pang alagad nito na pawang mga armado ng baril sa gate ng nasabing bahay saka tinutukan ang mga biktima sabay deklara ng holdap.
Agad na pinagkukuha ng mga suspek ang gamit ng heneral at ng dalawang tauhan tulad ng kuwintas (P60,000); Rado wristwatch (P10,000); Casio G-shock (P7,000); Sony Xperia C2305 (P14,000); Nokia e71 (P2,500); Samsung cellphone (P1,300); isang I-phone 4 at isang Ipad at isang bull ring na hindi natukoy na halaga saka mabilis na nagsitakas gamit ang isang motorsiklo.
- Latest
- Trending