^

Metro

Dahil sa sumbong ng kotong Anti-smoke belching operationsa Makati, sinuspinde

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ni Makati Mayor Junjun Binay ang “anti-smoke belching operations” ng Makati Pollution and Control Office (MPCO) dahil sa maraming sumbong ng talamak na pangongotong umano ng mga enforcers sa mga motorista sa lungsod.

 Inatasan na ni Binay si Office of the City Administrator head, Atty. Eleno Mendoza na magsagawa ng imbestigasyon sa mga sumbong habang hinikayat ang mga motorista na nabiktima ng mga tiwaling enforcers na maglagak ng kanilang reklamo upang masolusyunan ang problema at mapanagot ang mga may-sala.

Nakarating kay Binay ang mga reklamo makaraang du­magsa ang mga sumbong ng katiwalian sa mga enforcers sa kanilang Twitter accounts na: @MakatiTraffic at @MakatiInfo; maging sa kanilang Facebook account at iba pang blogspots.

Ayon sa alkalde, natagpuan rin na hindi naman maipatupad ng maayos ng MPCO ang isinasaad ng lokal nilang City Ordinance no. 2004-032 o Makati City Vehicle Emission Control at Clean Air Act of the Philippines o RA 8794.

Kabilang sa mga sumbong ay ang kagaspangan ng ugali tuwing nagsasagawa ng roadside emission testing, labis na pagtapak ng madiin at matagal sa silinyador ng sasakyan, harassment at pangongotong.  Isa pang reklamo ay ang hindi umano pagpansin ng mga enforcers sa mga “smoke belchers” na mga pampasaherong jeep at bus na dumaraan sa lungsod.

Bukod dito, ipinasasailalim rin ang mga traffic enforcers ng MPCO sa “re-training” upang maibalik sa kanilang utak ang tunay nilang trabaho at serbisyo sa publiko.

Habang nakasuspinde ang “anti-smoke belching ope­rations” sa lungsod, nanawagan naman si Binay sa mga motorista na patuloy na maging responsable sa maayos na pagmimintina ng kanilang mga sasakyan at hindi mag-ambag sa matinding polusyon na nararanasan na ng Metro Manila.

BINAY

CITY ORDINANCE

CLEAN AIR ACT OF THE PHILIPPINES

ELENO MENDOZA

MAKATI CITY VEHICLE EMISSION CONTROL

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI POLLUTION AND CONTROL OFFICE

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with