^

Metro

Panibagong oil price hike, ipinatupad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa buong bansa dahil sa panibagong galaw umano ng presyo nito sa internasyunal na merkado.

Pawang nag-abiso ng pagtataas kahapon ang mga kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, PTT, at Total Philippines na epektibo alas-6 kahapon ng umaga.

Magkakaparehong halaga ang itinaas ng mga kompanya kabilang ang 70 sentimos sa kada litro ng diesel at  45 sen­timos sa kada litro sa presyo ng premium, regular at unleaded gasoline.

Hindi naman ginalaw ang presyo ng kerosene dahil sa umiiral pang “price freeze” dulot ng deklarasyon ng “national state of calamity” ng pamahalaan dahil sa bagyong Yolanda.

Wala pa namang anunsyo sa pagtataas ng halaga ng kanilang produkto ang Chevron Philippines at iba pang maliliit na kompanya ng langis ngunit inaasahan na susunod din ang mga ito sa panibagong price adjustment.

CHEVRON PHILIPPINES

MAGKAKAPAREHONG

MULI

PAWANG

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

TOTAL PHILIPPINES

WALA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with