27 ‘telemarketers’ nambibiktima ng mga retirado, pensioners, tiklo
MANILA, Philippines - Arestado ang 27 kawani na pawang mga telemarÂketers na pinaniniwalaang miyembro ng isang sindikato na nambibiktima ng mga retirado, pensiyonado, lottery winners at mga nag-aabroad sa pamamagitan ng internet sa Makati City kamakalawa.
Ayon kay Police Sr. Supt. Gilbert Sosa, ng PhilipÂpine National Police (PNP), Anti-Cybercrime Group (ACG) alas-2:00 ng hapon nadakip ang mga suspek sa tanggapan ng Jirah Security System, na matatagpuan sa Unit 801, 8th floor, Praise Tower, Santillan St., Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
Nadakip ang mga ito sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Acting PreÂsiding Judge Lyliha L. Abella-AquinoÂ, ng Manila Regional Trial Court Branch.
Nabatid na ang Boiler Room o ang naturang opisina ay nag-ooperate sa pamaÂmagitan ng pagtanggap ng mga aplikante bilang mga call center agent at telemarketers at ang mga ito ang nakikipag-ugnayan sa magiging biktima nila.
Gamit ang mga comÂputer, nakikipag-ugnayan sila sa magiging biktima nila sa paÂmamagitan ng internet at kukumbinsihin na bumili ng share stocks at mag-invest sa kanilang kompanya.
Kapag pumayag ang magiging biktima, ipata-transfer ng mga ito ang pera sa pamamagitan ng banko at kapag nakapandenggoy ang naturang grupo ay bigla na lamang maglalaho ang mga ito at naÂtangay na ang pera ng kanilang naging mga biktima.
Ang target ng naturang grupo para biktimahin ay pawang retirees, penÂsiyonado, lottery winner at mga nag-a-abroad.
Nabatid na inaresto ang 27 suspek sa aktong kinoÂkontak ng mga ito ang ilang bikÂtima sa pamamagitan ng VOIP na konektado sa ilang kompanya tulad ng Jira Security System, Questasia Solutions Inc., Greenpoint International HK at Staton International.
Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang mga computer set, telephone fix switch, VOIPs, router, Ethernet converter at tatlong balikbayan boxes na naglalaman ng mga listahan ng posible nilang mga biktima.
- Latest