^

Metro

2 preso pumuga sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang preso sa isang himpilan ng pulisya sa Quezon City ang nakatakas ma­tapos na umano’y dumaan sa pamamagitan ng pagsira sa kisame ng palikuran dito kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat,  ang mga pugante ay nakilalang si Celino Santos, 42, na may kasong murder at isang alyas Flo­rence Batoy, na may kasong pagnanakaw at miyembro ng Akyat Bahay gang.

Nadiskubre ang pagtakas makaraang isagawa ang pagbibilang sa mga preso kahapon ng umaga.

Sinasabing nakatakas ang mga suspect matapos na tungkabin ang isang bahagi ng kisame sa kubeta sa loob ng detention cell ng PS10 sa Kamuning saka gumapang palabas ng bubungan ganap na alas-3:45 ng madaling- araw. 

Diumano, sinamantala ng mga preso ang pagtulog ng lahat ng preso sa kanilang pagtakas.

Samantala, ayon kay Supt. Limuel Obon, inatasan na niya ang kanyang tauhan, partikular ang inspectorate na magsagawa ng imbes­tigasyon kaugnay dito.

Sinibak na rin umano ni Obon sa puwesto ang lahat ng opisyal na naka-duty nang mangyari ang pagpuga ng dalawang preso. Ang mga ito ay sina Police Insp. Ramon Austira, station duty officer; SPO1 Jun Vargas, desk of­ ficer/jailer; PO1 Jay-Ar Lizada, radio operator; at PO3 Ranilo Mendoza, duty investigator.

Dagdag ni Obon, dalawang tracker teams ang ipi­nadala niya para tugisin ang mga naturang suspect.

AKYAT BAHAY

CELINO SANTOS

JAY-AR LIZADA

JUN VARGAS

LIMUEL OBON

OBON

POLICE INSP

QUEZON CITY

RAMON AUSTIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with