^

Metro

Ret. police, sugatan sa 4 na snatcher

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masuwerteng sa tuhod lamang nagtamo ng bala ang isang retiradong pulis-Maynila nang agawan ng gintong bracelet ng apat na lalaking magkaka-angkas sa dalawang motorsiklo  malapit sa kanyang bahay  sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa University of Santo Tomas (UST) Hospital ang biktimang si retired Senior Insp. Cresencio Viray, 58, residente ng Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Julio Espiritu, ng Manila Police District- Station 3, dakong alas-7:45 ng umaga nang maganap ang insidente di-kalayuan sa bahay ng biktima.

Nagpapainit lamang umano ng kotse para magtungo sa trabaho ang biktima na nakaupo sa driver’s seat nang lapitan ng mga suspect na pawang nakasuot ng helmet at hinablot ang suot nitong bracelet.

Sakay umano ng isang kumbinasyong kulay itim, dilaw na scooter at isang kulay pula na may itim na motorsiklo ang  ang apat na suspect na tumakas matapos matangay ang nasabing bracelet.

 

vuukle comment

CRESENCIO VIRAY

CRUZ

JULIO ESPIRITU

MANILA POLICE DISTRICT

MASUWERTENG

MAYNILA

NAGPAPAINIT

NILALAPATAN

SENIOR INSP

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with