Propesor nagbigti sa loob ng iskul
MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na proÂpesor ng isang kolehiyo ang nagpakamatay sa pamamaÂgitan ng pagbibigti sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Emmanuel Esumo, propesor at head laboratory ng St. Jude College at naninirahan sa Ma. Cristina St., Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng umaga nang mabulaga na lamang ang ilang mga kawani sa paaralan nang makitang walang buhay at nakabigti ang biktima.
Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-7:45 ng umaga noong Lunes nang papasok umano ito sa lobby entrance gate, ayon kay Luis Pellas, security guard ng St. Jude College.
Dahil sa sulat umano na dumating para sa biktima na hindi pa nito kinukuha, sinilip ito sa kanyang opisina kaya nadiskubre ang pagpapakamatay.
Gayunman, iniimbestigahan kung nagkaroon ng foul play sa insidente.
Samantala, natagpuang nakabigti sa puno ng langka ang bangkay ng isang lalaking sinasabing palaboy sa palengke sa Taguig City kahapon ng umaga.
Blangko ang pulisya sa pagkakakilanlan ng nasawi na tinatayang nasa pagitan ng edad na 45-50 anyos, nakaÂsuot ng polong long sleeve at maong na patanlon.
Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, natagpuan ang nakabiting bangkay ng biktima dakong alas-8 kahapon ng umaga sa nursery garden malapit sa LMR Tenement Market sa Brgy. Western Bicutan, ng naturang lungsod.
Sinabi ni Michael John Bales, 32, security guard sa FTI Complex, nagpapatrulya siya sa binabantayang lugar nang bumulaga sa kanya ang nakabigting bangkay ng lalaki na gumamit ng nylon cord na itinali sa sanga ng puno ng langka.
Sa pagtatanong ng mga pulis sa lugar, nabatid na palaboy umano at madalas na nakikita na nanghihingi ng limos at pagkain ang biktima sa palengke sa lugar. Inilagak naman ang bangkay ng biktima sa Loreto Funeral Homes.
- Latest