^

Metro

3 karnaper, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong karnaper matapos masita dahil sa walang suot na helmet habang sakay ng  motorsiklo sa Caloocan City kahapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark John Baello, 25; Niko Costales, 26, at Ronnie Flores, 26.

Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:30 ng mada­ling araw nang magsagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga pulis sa Santa Quiteria nang mapansin ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at walang  suot na mga helmet.Imbes na huminto ay pinasibad ng mga ito ang motorsiklo dahilan upang habulin ang mga ito ng mga pulis hanggang sa maabutan.

Nakuhanan ng mga picklock ang mga suspek na gamit sa pagdistrungka ng mga iginition switch ng mga motorsiklo, Suzuki Smash na for registration na naka­pangalan kay Ro­nald Celis­, 39,  ng Malabon City at Yamaha Mio Soul (2988-TH) na nakarehistro sa isang Joseph Lara, 35,  ng Laon Nasa, Gagalangin, Tondo, Manila.

Base sa rekord ng pu­lisya, lumalabas na alas-12:30 kamakalawa ng madaling-araw nang harangin ng mga suspek dala ang Yamaha Mio si Celis sa Samson Road ng naturang lungsod at sapilitan tina­ngay ang motorsiklo ng mga suspek.

Lumalabas na natangay naman ang Yamaha Mio ni Lara habang nakaparada sa Rodriguez St., Sangandaan ng Lungsod ala-1:30 ng madaling-araw noong Oktubre 24, 2013.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CELIS

JOSEPH LARA

LAON NASA

MALABON CITY

MARK JOHN BAELLO

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with