Lider ng drug group,1 pa, tiklo ng PDEA
MANILA, Philippines - Isang lider ng notoryus na drug group at miyembro nito na kabilang sa mga drug personalities na target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bumagsak na sa kamay ng ahensya sa ginawang buy-bust opeÂration sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspect na sina Sammy Rotairo, Jr., 36; at Mayeth Norva, 36; kapwa residente ng IBP Road LitexÂ, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Sina Rotairo at Norva ay natukoy na kabilang sa ‘Rotairo Drug Group’ na nag-ooperate sa mga barangay sa lungsod, partikular sa Brgy. Commonwealth.
Ayon sa ulat, alas-7 ng gabi nang maaresto ang mga suspect matapos ang isinagawang buy-bust opeÂration.
- Latest