P.2-M ari-arian nilimas ng akyat-bahay
MANILA, Philippines - Umaabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian at cash ang nalimas matapos looban ng Akyat-Bahay Gang ang kuwarto na tinutuluyan ng 35-anyos na babae sa Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City PNP Station 5, kinilala ang biktima na si Zeny Mejias, 35, product associate at residente sa Zone 5, Purok 27, Artisty Paradise, Botong Francisco sa bayan ng Angono, Rizal.
Sa ulat ni SPO1 Edilberto Geminiano, si Mejias ay bisita lamang sa bahay ng neÂgosyanteng si Alice de Guzman sa #3 Gemini Street, Cruzville Subdivision sa Barangay Kaligayahan.
Nabatid na simula pa noong Biyernes (Nob. 8) ay pansamantalang tumutuloy si Mejias sa guest room kung saan naganap ang panloloob matapos wasakin ng Akyat-Bahay Gang ang glass window sa palikuran.
Nang makapasok ay sinimulang limasin ang mga gamit ng biktima, partikular ang mini-iPod, iPhone 5, Samsung note 3; at ladies bag na naglalaman ng mga credit cards at lisensya.
Natangay din ang P15,000 cash at Korean won na nagkakahalaga ng P150,000.
Nadiskubre lamang ng biktima ang pagnanakaw nang magising ito kung saan nagkalat ang kanyang mga gamit.
- Latest