^

Metro

P10-M tulong ng Makati sa sinalanta ni ‘Yolanda’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nanguna ang lokal na pamahalaan ng Makati City sa pagpapalabas ng P10 milyong tulong para sa mga biktma ng bagyong Yolanda sa Eastern at Central Visayas.

Hiniling na ni Makati City Mayor Junjun Binay sa Sangguniang Panglungsod na aprobahan ang resolusyon para sa pagpapalabas ng P10 milyong tulong pinansyal sa mga biktima ng nasabing kalamidad.

Bukod dito, nagsasagawa rin ang pamahalaang lungsod ng sarili nilang relief operations kung saan hiniling sa mga negosyante at residente ng Makati na mag-ambag ng kanilang tulong na dadalhin sa Visayas partikular na sa Leyte.

 â€œOn behalf of the city government and the people of Makati, I am extending our deepest sympathy to the typhoon victims in the Visayas who have lost their loved ones, their homes and livelihood. We are convening the City Council for an emergency session to approve our P10 million allocation for relief assistance to devastated areas,” ayon sa pahayag ni Mayor Binay.

Nakahanda na rin ang rescue and retrieval teams para tumulong sa pagba­ngon ng mga lalawigang nawasak ang mga ari-arian habang inumpisahan na ang pagtanggap ng mga donasyon sa Poblacion Covered Court sa pa­ngunguna ng Makati City Social Welfare Department.

CENTRAL VISAYAS

CITY COUNCIL

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI CITY SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

MAYOR BINAY

POBLACION COVERED COURT

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with