^

Metro

Sekyu binoga sa mukha

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala ng buhay at duguang nakahandusay ang isang 21-anyos na security guard nang madatnan ng karelyebong guwardiya, sa binabantayang bakanteng lote, sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng bala sa mukha ang biktimang si Joemar Sallote binata,  nakatalaga sa nasabing lote, na matatagpuan sa Francisco st., Malate, ng Helenian Security Agency na nasa no. 3 Rosal St., 12th Avenue , Grace Park , Caloocan at tubong Sipalay City Negros Occidental.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente dahil sa wala pang matukoy na suspect at motibo sa krimen, habang ang karelyebo naman na si Noel Silverio, 27, ay isinasailalim din sa interogasyon. Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide
Section, dakong alas 7:00 ng umaga nang makitang patay na ang biktima sa binabantayan nitong bakanteng lote sa panulukan ng Singalong at Francisco St., sa Malate.

Nasa lapag na  umano ang biktima sa pagitan ng upuang plastic at mesa kung saan ito nakapwesto, nang dumating ang kapalitan sa duty na si Silverio.

Mismong si Silverio na rin ang nagparating sa pulisya ng insidente.

Pahayag sa awtoridad ni Silverio, alas 7:00 ng  umaga ang kaniyang duty dahil alas 7:00 naman ng gabi, kamakalawa ang duty ng biktima.Wala umanong kaaway ang biktima, ayon sa kaniyang pagkakaalam at may babaeng kalive-in umano ang biktima.

Nasa beywang pa rin nakasukbit ang service firearm na kalibre .38 pistola ng biktima.

 

FRANCISCO ST.

GRACE PARK

HELENIAN SECURITY AGENCY

JOEMAR SALLOTE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

MARIO ASILO

NOEL SILVERIO

ROSAL ST.

SILVERIO

SIPALAY CITY NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with