120 tonelada ng basura sa Undas, nahakot
MANILA, Philippines - Umabot sa 120 tonelada ng mga basura ang nahakot sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila ng clean-up teams ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginawang paggunita sa All Saints’ Day.
Ayon kay MMDA General Manager Corazon Jimenez, patuloy pa rin ang isinasagawang paglilinis at paghakot ng basura ng kanilang Metro Parkways Cleaning Group.
Nauna nang nag-deploy ang ahensya ng mahigit sa 2,000 personnel para sa “Oplan Kaluluwa 2013â€. Ang opeÂrasyon ay nagsimula noong Oktubre 25 at magtatapos bukas (Lunes).
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, na karamihan sa mga dineploy na personnel ay mga traffiÂc constable na naatasang tumulong sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan at traffic-prone areas sa Metro Manila noong Undas.
Apat na malalaking sementeryo kabilang ang Manila North, Manila South, Loyola Memorial Park sa Manila at sa Parañaque ay mahigpit ding biÂnantayan sa pagsisikip ng trapiko.
- Latest