Trader nagbaril sa harap ng dating nobya
MANILA, Philippines - Utas ang isang negosyante nang magbaril ito sa ulo sa harap ng kanyang dating nobyaÂÂ sa loob ng pag-aari nitong sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo mula sa cal. .45 ang biktimang si Roderick Manuel, 35, ng Monzerath St., ng naturang lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police naganap ang insidente alas-9:45 ng gabi, habang minamaneho ng biktima ang pag-aari nitong Ford Everest sa kahabaan ng General Tinio St., Bagong Barrio ng naturang lungsod sakay ang dating nobÂyang si Edelweis Flores, 31, ng naturang lungsod nang biglang kinuha ng biktima ang kalibre .45 at ipinutok nito sa ulo.
Bumangga pa sa pader ang sasakyan ng biktima.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.
- Latest