^

Metro

Umiwas sa checkpoint: 2 kelot utas sa engkwentro

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga humabol na awtoridad matapos na   umiwas sa isang checkpoint ang mga una sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga nasawi na  isinalarawan ang isa sa edad na 20-25, katamtaman ang katawan, may taas na 5’5’’, nakasuot ng asul na t-shirt at asul na short pants,  may tattoo na “ Trio in one Mark 1” sa kanyang dibdib, tattoo sa kanang bewang at kanang likod na “Art pochi”.

Habang ang isa ay nasa edad na 20-25, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’4’’, nakasuot ng pulang t-shirt at itim na short pants may mga tattoo na “ Rodriguez, Erick at Angela” sa dibdib at sa likod na “Loyd”.

Ayon kay SPO2 Cristituo Zaldarriaga, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente alas-12:50 ng madaling-araw sa may Araneta Avenue, corner Ma. Clara St., Brgy. Sto Domingo.

Bago ito, nagsasagawa umano ng ‘Oplan Sita’ ang anti-carnapping unit sa Ara­neta Avenue, corner BMA Brgy. Tatalon nang maispatan nila ang dalawang lalaki na kapwa sakay ng kani-kanilang motorsiklo na paparating, pero walang suot na helmet.

Habang papalapit sa checkpoint, biglang nag-iba ng direksyon ang dalawang lalaki at may kilos na kadudaduda kaya hinabol ang mga ito ng mga awtoridad.

Pagsapit sa naturang lugar ay pinahinto ng mga una ang mga huli pero  sa halip na sumunod, nagbunot umano ang suspect ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad na gumanti rin ng putok na nauwi sa engkwentro

Makalipas ang ilang minutong palitan ng putok ay duguang bumulagta ang mga suspect. Narekober sa kanila ang isang kalibre .22 na baril.

Sa pagsisiyasat pa ay narekober din sa lugar ang may 16 na basyo ng kalibre 9mm na baril mga bullet fragments at dalawang motorsiklo gamit ng mga suspect.

ARANETA AVENUE

AYON

BRGY

CLARA ST.

CRISTITUO ZALDARRIAGA

HABANG

OPLAN SITA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with