^

Metro

2 tirador ng motorsiklo bulagta sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa na namang tirador ng motorsiklo ang patay makaraan umanong maka-engkwentro ang mga awto­ridad sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Supt Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Station 4, walang pagkakakilanlan  ang dalawang suspect na nan­laban sa kanyang mga tropa habang sinusubukang su­muko dahil sa pag­tangay ng motorsiklo ng isang biktima­.

Partikular na inagawan ng mga suspect ng motorsiklo ang biktimang si Bayani Marasigan­ ng Marianito St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng SB Road, corner Samonte Road sa lungsod, ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.

Bago nito, sakay umano ang biktima ng kanyang Honda Wave 125cc (4746-MO) nang mapahinto ito hindi kalayuan sa nasabing lugar.

Ilang sandali, biglang sumulpot ang mga suspect at puwersahang kinuha ng mga ito ang motorsiklo ng biktima saka tinangay.

Nagpasya naman ang biktima na magtungo sa himpilan ng PS4 at ipinag­bigay-alam ang insidente.

Agad na nagsagawa ng Oplan Sita ang tropa sa naturang lugar kung saan naispatan ang mga suspect sakay ng tina­ngay nilang motorsiklo. Nang pinahihinto ng mga awtoridad ang mga suspect, putok ng baril ang iginanti ng mga ito kung kaya’t napilitan din ang mga awtoridad na magpaputok.

Nang mapawi ang pu­tukan,  nakita ang mga suspect na walang buhay katabi ng inagaw nilang motorsiklo. Personal din silang kinilala ng biktima na umagaw sa kanyang motorsiklo.

Nitong Biyernes ay da­lawa ring hindi nakikilalang lalaki na nang-agaw ng motorsiklo ang nasawi sa may Brgy. Commowealth sa lungsod.

BAYANI MARASIGAN

BRGY

HONDA WAVE

MARIANITO ST.

MOTORSIKLO

NANG

NITONG BIYERNES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with