^

Metro

Salvagevictim natagpuan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na  hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang nakahandusay, nakabalot ng packaging tape ang mukha, may dalawang tama ng bala sa leeg at  ulo, nakagapos ang mga kamay patalikod  sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima sa edad na 35-40, may taas na 5’10’’, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo sa dibdib na “Romeo Magleo”, nakasuot ng itim na t-shirt na may tatak na Cosac Vodka,  jersy shorts na kulay violet na may tatak na Los Angeles Lakers.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-8:30 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima sa madilim na bahagi ng Perez St., Ermita, Maynila.

Ilang barangay tanod umano sa Brgy. 674,  Zone 73 ang nakarinig din ng mga putok kaya inalam ang pinagmulan nito kung saan nadiskubre ang nasabing katawan ng biktima.

vuukle comment

BRGY

COSAC VODKA

ERMITA

ILANG

INILARAWAN

ISANG

LOS ANGELES LAKERS

MAYNILA

PEREZ ST.

ROMEO MAGLEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with