537 pamilyang iskuwater sa estero sa Makati winalis
MANILA, Philippines - Nakumpleto na ng pamahalaang lungsod ng Makati ang paglilinis sa kahabaan ng Tripa de Gallina creek (estero) sa Brgy. Bangkal kung saan nasa 537 pamilyang naninirahan dito ang napaÂalis.
Sinabi ni Makati Mayor Jejomar Erwin Binay na bahagi ng pagsunod sa “Mandamus†ng Korte Suprema sa pagpapaluwag ng mga natural na daluyan ng tubig sa Metro Manila ang paglilinis sa naturang estero. Nai-relocate naman umano ang nasa 506 pamilya sa National Housing Authority (NHA) housing projects sa Cavite.
Kritikal umano ang paglilinis sa Tripa de Gallina para mapigil ang madalas na nagaganap na pagbabaha sa kanto ng Sen. Gil Puyat Avenue at South Luzon Expressway. Nakakasagabal umano ang naipong mga basura at nakaharang na mga kabahayan sa natural na pagdaloy ng tubig na dahilan ng pagbabaha.
Matapos ang paglilinis sa naturang estero sa Brgys. San Isidro at Bangkal, nag-umpisa na rin ang paglilinis sa bahagi ng naturang estero na dumadaloy naman sa Brgy. Pio del Pilar habang malapit nang matapos ang paglilinis sa may Brgy. Palanan.
Sa ilalim ng Makati Waterways Resettlement Program, nasa 218 pamilya ang nailipat sa NHA Housing sa Brgy. Aguado habang 288 pamilya ang nailipat sa NHA Housing sa Brgy. Hugo Perez sa bayan ng Trece Martirez sa lalawigan ng Cavite. TumangÂgap din umano ang bawat pamilya ng P5,000 tulong pinansyal, pagkain sa limang araw at trucking assistance sa pagbiyahe ng kanilang gamit sa Cavite.
May apat na pamilya umano na tumangging magpa-relocate ang binigyan rin ng P5,000; 2 pamilya ang pumili sa ‘Balik Probinsya program’ habang 25 pamilya ang diskuwalipikado dahil sa hindi pagsusumite ng kaÂukulang mga dokumento.
- Latest