2,000 tauhan ikakalat ng MMDA sa Undas
MANILA, Philippines - Nasa 2,000 tauhan umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ikakalat sa mga kalsada sa bisinidad ng mga pangunahing sementeryo sa Kamaynilaan at iba pang kalsada para mamahala sa daloy ng trapiko mula Oktubre 25 hanggang NobÂyembre 4.
Partikular na tinukoy ng MMDA ang Manila North, Manila South, Loyola MeÂmorial Park sa Maynila at Manila Memorial Park sa Parañaque City na pagtuÂtuunan nila ng atensyon dahil sa taun-taong matinding pagbubuhol ng trapiko.
Prayoridad din umano nila na bantayan ang mga bus terminals sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City; EDSA-Cubao, EDSA-Pasay Taft; at Sampaloc sa Maynila; EDSA-Balintawak, DangÂwa at Mindanao Avenue.
Magdadagdag din ang MMDA ng tauhan sa Southwest Integrated Provincial Terminal (SWIPT) para naman sa maayos na pagdaÂting at pag-uwi ng mga pasahero galing at patungo ng Cavite, Laguna at Batangas.
Bukod sa mga regular na “traffic constablesâ€, iikot din ang mga tauhan ng Traffic Discipline Office (TDO), Anti-Jaywalking Unit at Over Speeding para mamahala sa trapiko.
Nakaalerto rin umano ang Task Force Illegal Terminal, Parking Discipline Group, Towing and Impounding Group para naman tanggalin ang mga obstruksyon tulad ng mga iligal na nakapaÂradang mga sasakyan sa mga kalsada at bangketa.
Gagamitin ng MMDA ang “Agila 1†at “Agila 2 mobile command centers†na kayang magpadala ng “real-time video footages†sa MMDA ComÂmand Center sa Makati City. Maglalagay din umano sila ng Public Assistance Centers tents at mga ambuÂlansya sa apat na pangunahing sementeryo.
- Latest