Away trapiko: Parak binoga ng siga
MANILA, Philippines - Isang kagawad ng pulisya ang sugatan nang barilin ng isang kilalang maton dahil lamang sa alitan sa trapiko sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Si SPO1 Renato Corado, 51, na nakatalaga sa Quezon City Police District Logistics Division ay inoobserbahan ngayon sa ospital matapos na magtamo ng tama ng bala sa kanyang likuran.
Tinutugis naman ng awtoridad ang suspect na nakilalang si Heson Bagalacsa ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches maÂtapos na tumakas makaraan ang pamamaril.
Ayon kay PO1 Julius Raz, may hawak ng kaso, si Bagalacsa ay itinuturing na siga at trigger happy sa kanilang barangay dahil sa pagkakasangkot nito sa mga reklamo ng indiscriÂminate firing.
Nangyari ang insidente ganap na alas-9 ng gabi sa kahabaan ng Pugong Ginto St. sa lungsod.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Corado, residente sa Caloocan City ang kanyang Toyota CoÂrolla (TRA-276) sa nasaÂbing lugar sakay ang kanyang asawang si RosaÂlinda habang ang suspect na sakay naman ng kanyang motorsiklo ay pasalubong sa biktima kung saan base sa mga testigo ay muntik nang magkabanggaan dahil sa makitid ang lugar.
Dahil nakaharang ang kotse ng biktima sa daraanan ng suspect nagalit ang huli. Pero nagÂdesisyon na ang biktima na paandarin ang kanyang sasakyan, kung saan hiÂnabol siya ng suspect at pinaputukan ang likuran ng sedan sanhi para siya tamaan.
Agad na tumakas ang suspect, habang ang biktima ay isinugod naman ng kanyang asawa sa FEU hospital kung saan ito nakaratay.
- Latest