^

Metro

7-anyos pilit pinagdroga, kelot timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang binata nang turuan nitong suminghot ng shabu ang isang 7-anyos na batang lalaki na kapitbahay nito kamaka­lawa sa Caloocan City.

Nakakulong sa Ca­loocan City Police detention cell at nahaharap sa kasong child abuse ang suspek na si Alvin Bejerano, 22, ng Salmon St., ng na­turang  lungsod.

Ayon sa salaysay ng biktima sa mga kagawad ng Caloocan City Police naganap ang insidente alas-5:30 ng hapon sa naturang lugar nang tawagin  ng suspek ang paslit na kanyang kapitbahay.

Niyaya ang biktima na suminghot ng shabu, subalit tumanggi ang naturang paslit at tumakbo  ito papalayo kay Bejerano.

Ngunit, hinabol pa ng suspect ang paslit at hinila ito sa may sulok at doon ay tinuruan sa pagsinghot ng shabu.       

Kinagabihan ay hindi makakain at makatulog ang biktima at nang usisain ng mga magulang ay sinabi ang ginawa nila ng suspek.

Kahapon nga  ay ipinadakip ng mga magulang ng bata ang suspek at  sinampahan ng nasabing kaso.

Lumalabas na ikat­long beses nang pinag-shabu ng suspek ang bata.

vuukle comment

ALVIN BEJERANO

ARESTADO

AYON

BEJERANO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CITY POLICE

SALMON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with