^

Metro

Motorcycle rider vs bike rider: 1 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang security guard nang mabangga ng minamaneho nitong motorsiklo ang isang nagbibisikleta sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Adel Batalla, ng  Champaca St., Makati City, habang nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital ang sakay ng bisikleta na si Cesar Ramos, barangay tanod,  ng Casino St., Malate, Maynila.

Sa ulat, dakong alas- 6:45 ng gabi  nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Osmeña Highway at Zobel Sts., sa Malate.

Mabilis umano ang pagpapatakbo ni Batalla ng Kawazaki 9398-TG nang biglang lumutang sa kaniyang harapan ang naka-bisikletang si Ramos kaya nabangga ito at tumilapon si Batalla na ikinabagok ng kaniyang ulo.

Mga tambay naman ang nagsugod sa pagamutan kay Ramos.

 

vuukle comment

ADEL BATALLA

ANA HOSPITAL

BATALLA

CASINO ST.

CESAR RAMOS

CHAMPACA ST.

MAKATI CITY

MAYNILA

RAMOS

ZOBEL STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with