Ginang nabagsak ang kargang sanggol, posibleng kasuhan
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng NaÂvotas Police ang pagÂhaÂharap ng kasong parricide laban sa isang 32-anyos na ina maÂtapos nitong aksidenteng maibagsak ang kanyang sanggol na anak na naÂging dahilan ng kamaÂtayan nito, kahapon.
Ang 4-month old baby ni Khrisma Salamat, ng Celestino St., Brgy. San Jose ay idiÂneklarang dead-on-arrival sa lying-in clinic ng Navotas dahil sa mga pasa at pagÂdurugo ng ilong.
Sa pahayag ni SaÂlamat sa mga doktor, sinabi nito na kamaÂkalawa pa lamang ng gabi ay may sakit na ang kanyang anak kaya niya ito dinala na sa naturang clinic.
Gayunman, mismong ang sister-in-law ni Salamat na umano’y nakakaalam sa pangÂyayari ang naglakas-loob na sabihin sa doktor ang tunay na pangyayari.
Sinabi nito na aksiÂdenteng naibagsak ni Khrisma ang anak habang karga ito.
- Latest