LRT 1 nagkaaberya na naman
MANILA, Philippines - Muling nagkaroon ng aberya ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 makaraang magliyab ang kable ng kurÂyente nito kamakalawa ng gabi na nagresulta sa problema sa suplay ng kuryente sa buong maghapon kahapon.
Nabatid na maghahatingÂgabi kamakalawa nang magÂliyab ang cable wire track na nasa ilalim ng bato sa riles sa pagitan ng United Nations Avenue at Pedro Gil stations. Agad namang rumesponde ang mga bumbero at mabilis na naapula ang apoy.
May kaugnayan umano sa pagpapatakbo ng tren at signal ling ang nasunog na mga kable.
Sinabi ni LRT spokesman Atty. Hernando Cabrera na dakong alas-5 na ng umaga nang matapos ang pagkuÂkumpuni.
Dahil dito, halos isang oras na late ang pagbubukas ng operasyon ng LRT-1. Dakong alas-5:55 na ng umaga nang mabuksan ang lahat ng istasyon nito mula Baclaran hanggang Roosevelt Station.
Nagdulot ito ng matinÂding galit sa mga libu-libong pasahero kung saan naging napakahaba ang pila sa mga istasyon dahil sa pagkakaÂantala ng pagbubukas.
Nakadagdag pa sa problema ang mahinang suplay ng kuryente na pumapasok sa sistema ng LRT-1 sanhi upang magbawas ng bumibiyaheng tren ang LRTA.
Sinabi ni Cabrera na 17 tren lamang ang kanilang pinatakbo buhat sa normal na 28 upang maiwasan ang dagdag na “power trippingâ€.
- Latest