^

Metro

49 karnap na motorsiklo, nabawi

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 49 iba’t ibang  uri ng motorsiklo na pinaniniwalaang  karnap ang nasamsam ng mga pulis sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Supt. Ferdinand Del Rosario, deputy chief at commander ng Barugo Police Station ng North Caloocan City, alas-2:30 ng hapon nang magsagawa sila ng operasyon sa Phase 12, Tala sa lungsod.

Nabatid na bukod sa 49 iba’t ibang uri  ng motorsiklo na kanilang nabawi, nakasamsam din sila ng 4 na baril at tatlong katao na may warrant of arrest ang kanilang nadakip.

Sinabi pa ni  Del Rosario, nakatanggap sila ng impormasyon na ang nasabing lugar ang pinagdadalhan ng mga kinarnap na mga motorsiklo na naging dahilan upang magsagawa sila ng operasyon dito.

vuukle comment

AYON

BARUGO POLICE STATION

CALOOCAN CITY

DEL ROSARIO

FERDINAND DEL ROSARIO

NABATID

NORTH CALOOCAN CITY

OPLAN GALUGAD

SINABI

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with